YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 16, 2014

Construction worker, hinampas ng bote at sinaksak ng drayber

Posted June 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sugatan ang isang construction worker sa Boracay matapos hampasin ng bote sa ulo ng isang drayber kagabi.

Sinaksak din umano ito ng suspek sa tiyan gamit ang nabasag na bote at kaagad na tumakas.

Ayon sa report, nag-iinuman kagabi sa kanilang staff house sa Barangay manoc-manoc ang biktimang si Ronilo Forras, 32 anyos at ang suspek na si Richardo Ladiana Jr., 27 anyos, pawang mga taga Negros Occidental, kasama ang kanilang mga katrabaho nang mangyari ang insidente.

Nagtalo umano ang dalawa na nauwi naman sa paghampas ng bote at pananaksak ng suspek sa biktima na kaagad isinugod sa isang pagamutan sa Boracay.

Kaagad namang naaresto ng mga taga Boracay PNP ang suspek sa pamamagitan ng isang follow up operation.

No comments:

Post a Comment