Posted March 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit to the owner |
Aprubado na ng
Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB ang pagtaas ng minimum
wage sa Western Visayas na maaaring ipatupad epektibo Marso 16 ng taong
kasalukuyan.
Sa Wage Order No.
RBVI-23 ng DOLE Region 6, may pagtaas ng P25.00 ang minimum wage earners na
lagpas sa sampung empleyado na nasa non-agriculture, industrial at commercial
establishments.
Ibig sabihin, ang
dating P 298.50 ay magiging P 323.50 kapag ito ay ipatupad.
Subalit ayon sa
Department of Labor and Employment Region-6 hindi umano lahat ng minimum wage
earners ay makakatanggap ng P 25.00 increase sa kanilang sahod.
Ang mga hindi umabot
sa sampung empleyado ay nasa P 15.00 lang ang umento, mula P 256.50 ay magiging P 271.50
na.
Ang agricultural
workers lalo na sa mga plantasyon ay makakatanggap ng bagong rate na P 281.50 mula sa dating P 266.50 at
sa non-plantation naman ng P 271.50 na pagtaas kumpara sa P 256.50 na pasahod
na arawan.
No comments:
Post a Comment