Saturday, March 11, 2017

Chinese National, nangunguna sa Tourist Arrival ng Boracay

Posted March 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for Tourist Arrival ng BoracayNanguna ang mga Chinese National na bumisita sa isla ng Boracay sa inilabas na datos ng Malay Tourism Office o MTOUR.

Base sa datos, umabot sa 40, 036 ang bilang ng mga Chinese ang dumadagsa sa isla sa buwan ng Pebrero.

Kaugnay nito, pumapangalawa ang mga Koreans na nagtala ng 37, 511 tourist arrival habang pumangatlo naman sa listahan ang mga Taiwanese na umabot sa 5, 126.

Para sa kabuuang bilang ng mga turista ngayon buwan ng Marso, umabot na ito sa 174, 183 kung saan nakapagtala ng 4,615 para sa mga OFW’s na bisita.

Samantala, sa nakaraang report magugunitang nasabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete na nasa state of warming- up ang bansang China at Pilipinas kung kaya’t dagsa na ngayon ang mga tsino sa isla.

No comments:

Post a Comment