Friday, March 03, 2017

Malay Water District, ini-Reklamo ni Caticlan Punong Barangay Juliet Aron

Posted March 3, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for malay water district“Kawalan ng suplay ng tubig”.

Ito ang laman ng Privilege Speech ni Liga President at Caticlan Punong Barangay Juliet Aron hinggil sa problema nila sa serbisyo ng Malay Water District.

Sa naganap na 8th Regular Session ng SB Malay nitong Martes, ibinahagi ng kapitana ang kaniyang pagkadismaya dahil sa naranasan nilang kawalan ng tubig nitong nakalipas na mga araw ng Biyernes at Sabado.

Bago nito, ang nasabing problema ay matagal ng inirereklamo ng mga residente doon kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw naso-solusyonan.

Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog, kailangan ng ipatawag ang ahensyang ito dahil sa marami silang nais na itanong tungkol sa suplay ng tubig sa Bayan ng Malay.

Bunsod nito, napagkasunduan ng mga kinatawan ng SB na talakayin ang usaping ito sa susunod na sesyon kung saan ipapatawag ang mga water providers tulad ng Boracay Water Company o (BIWC), Malay Water District o MWD, Boracay Tubi Systems Inc. (BTSI) kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o (TIEZA).

No comments:

Post a Comment