Thursday, March 09, 2017

Tatlong cruiseship dadaong sa isla ngayong buwan ng Marso

Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for ms europa
Aasahan ang pagdating ng tatlong cruiseship ngayong buwan ng Marso sa isla ng Boracay.

Sa pulong na ginanap sa Caticlan Jetty Port, bilang paghahanda sa papalapit na Marso 13 taong kasalukuyan,nabatid na darating ang MS Europa sa ikaapat na pagkakataon.

Inaasahan din na dadaong ang MS Celebrity Constellation sa Marso 14 na isang maiden call kung saan matatandaang hindi nakadaong ang barkong ito noong araw ng mga puso dahil sa malakas na alon.

Image result for ms celebrity conste

Bukod pa rito darating din sa Marso 22  ang barkong MS Seaborne Sojourn para sa ikalimang pagbisita nito sa Boracay.

Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, nauna ng nagpahiwatig na bibisita ang pitong barko ngayong buwan ngunit ang
apat sa mga ito ay nakansela.

Image result for ms seabourn sojourn
Samantala, inaasahan na darating ang ilan sa mga cruiseship sa mga susunod pang mga buwan.

No comments:

Post a Comment