Wednesday, March 08, 2017

Iwag, ginawaran ng Parangal ang Walong Estudyante mula Aklan

Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for IWAGGinawaran ng award ng IWAG ang walong estudyanteng Aklanon matapos ang magandang performance dahil sa kani- kanilang school publications.

Ang IWAG award ay taunang ginanap na sa pamamagitan ng Philippine Information Agency sa Region 6 bilang pagbigay kilala sa mga campus paper writers na nagpakita ng galing sa pagsusulat  at namukod tangi maging sa academic performance.

Nabatid na  tatlo sa bingyan ng parangal ay mga Graduating College students habang ang lima naman ay graduating din ng high school.

Kinilala ang mga college students na sila  Darwin Tapayan ng The Forum of the Northwestern Visayas Colleges, Raffe De Juan ng The Aklan Collegian ng Aklan Catholic College at  Zeus Bryan Nicolas ng Eamigas Aklan State University – Banga campus.

Kabilang naman sa High school Iwag Award qualifiers sila Chloe Reynaldo of Scholar’s Gazette at Ivanne Jopert Idorot ng Pahayagang Iskolar, parehong galing sa Regional Science High School for Region 6 at si Mary Erlyn Ricarto ng The Garcian High estudyante ng Garcia College of Technology Tech-Voc High School.

Samantala ang iba pang mga ginawaran ng parangal ay nanggaling sa Linabuan National High School  na kinilalang sila Mica Relor MeƱez  at Kate Lyzell Motus ng The Viewfinder  at Pagsip-eak.

Ang mga  nabanggit na awardees ay bibigyan ng special medal at citation, sa gaganaping graduation.

No comments:

Post a Comment