Wednesday, March 08, 2017

Lalaki sa Banga, natagpuang patay sa sariling bahay

Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for binarilIsang lalaki ang natagpuang patay sa kanilang bahay kahapon alas-sais y medya ng umaga sa Brgy. Libas, Banga, Aklan.

Nadatnang naliligo na sa kanyang sariling dugo ang biktima na kinilalang si Juliuz Marledge Amparo y Risan, 35-anyos residente ng naturang ring lugar.

Ayon sa report ng Banga Municipal Police Station, naabutan na wala ng buhay na nakahiga sa kanilang kwarto ang biktima kung saan nakitang may tama ng baril sa kanyang ulo.

Agad namang humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa Banga PNP kung saan sinuri naman ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang pinangyarihan ng insidente para sa masusing imbestigasyon.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang pagkalap ng impormasyon ng mga otoridad sa posibleng motibo ng pagpatay sa biktima.

No comments:

Post a Comment