Thursday, March 09, 2017

Pagdeklara ng economic zone sa isla pinag- usapan sa SB Malay

Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sittingNaging usapin sa ginanap na 8th Regular Session nitong Martes ang tungkol sa pagdeklara ng tatlong area sa isla ng Boracay bilang economic zone.

Sa naging Priviledge Speech ni Sangguniang Bayan Dante Pagsuguiron, nabanggit nito ang tungkol sa pagdeklara ng economic zone matapos itong dumalo sa seminar ng Visayas Economic Summit sa Cebu dalawang linggo na ang nakakalipas sa pangunguna ng PEZA.

Ayon sa kanya, ang proyektong ito ay magiging maganda sapagkat magiging mas madali ang pag-iimbita ng mga turista at mga investors na pumasok sa isla kung saan madadagdagan din ang mga job opportunities lalo na sa mga Aklanon.

Aniya, oras na ma-ideklara na isang economic zone ang lugar ang Presidente ng PEZA ang may otoridad na mag- apruba nito.

Nabatid na magbibigay ang PEZA ng 5% galing sa gross sales nito kung saan ang 3% nito ay mapupunta sa national government habang ang natitirang 2% ay ilalaan sa Lokal ng Pamahalaan ng Malay.

Samantala, ang usaping ito ay ire-refer sa Committee on Tourism, Committee on Land Use at Committee on Environment para mapag-usapan ng mabuti.

Ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay isang ahensya na katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ito ang nangangasiwa sa mga operasyon ng negosyo ng mga namumuhunan sa loob ng mga piling lugar sa buong bansa na kabilang sa PEZA Special Economic Zones at ang pagbibigay dito ng insentibo.

No comments:

Post a Comment