Saturday, March 11, 2017

Negosyo Center sa Makato, binuksan na

Posted March 10, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for negosyo center
Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry – Aklan at lokal na pamahalaan ng Makato, pormal ng binuksan ang Negosyo Center sa Makato Tourist Convenience and Pasalubong Center nitong Miyerkules.

Layunin ng Negosyo Center na mailapit ang serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng skills trainings, entrepreneurship seminars, marketing and promotion, financing forum at product development.

Ang proyektong ito ay batay sa Go Negosyo Act kung saan inaatasan ang DTI na magtayo ng mga Negosyo Centers sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa.

Ito na ang pang-anim na negosyo center sa probinsya na kinabibilangan ng mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Altavas, Numancia at Lezo.

Samantala, nakatakda namang buksan ang tatlo pang negosyo center sa bayan ng Libacao sa March 16, Malinao sa April 20, at Malay sa May 18.

No comments:

Post a Comment