YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 09, 2017

Phase II ng Drainage sa Boracay, nasa bidding process na

Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakalatag na o nasa bidding process na umano ang Phase II sa gagawing drainage system sa isla, partikular sa area ng Bolabog.

Sa panayam kay Boracay Island Water Company (BIWC) Operations Head Jennifer Vergara , sinisimulan na umano ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pag-sasaayos para sa pag-uumpisa ng Phase II ng drainage system na nakatakdang gawin sa 1st half ng taon.

Aniya, kung matatandaan noong 2014 ng simulan ang Phase 1 ng drainage system at nito lamang nakaraang taon ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na pamahalaan ng Malay at ibat-ibang stakeholder sa Boracay para sa naturang proyekto.

Ayon kay  Vergara, meron ng budget ang una sa apat na packages ng  proyekto lalo na ang Bolabog drainage line na uumpisahan kapag meron ng napiling contractor sa ginagawang bidding.  

Ang bawat package umano ng mga area na lalatagan ng drainage line ay magkakaroon ng sariling pumping station na kinabibilangan ng Bolabog hanggang Ambulong at Lugutan areas.

Sa Phase II, balak din na habaan ng outfall pipe para hindi maka-apekto sa kalidad ng tubig lalo na sa Bolabog Beach.

Umapela naman si Vergara sa mga Boracaynon na hindi lang umano ang kanilang opisina, TIEZA at LGU ang magtulungan para sa drainage system sa Boracay kundi pati na ang mga residente dito.


No comments:

Post a Comment