YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 08, 2017

Apat na katao, arestado pagkatapos makuhanan ng Skimming Device

Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Photo Credit SPO1 Christopher Mendoza 
Arestado ang apat na katao sa Boracay matapos na magsagawa ng hot pursuit manhunt operation ang Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) sa Caticlan Jetty Port.

Kinilala ang apat na naaresto na sina Camela Cho Pahati, 33-anyos mula sa Sta Cruz, Manila, Reynald Merlan Bartolome, 29-anyos na residente ng Mariveles, Bataan, Jose De Leon Marcelino at Apol Cruz Buenaflor na parehong nagmula sa Taguig.

Ayon sa salaysay ng waitress ng isang sikat na bar na nagreport sa BTAC, mayroong umanong ginamit na tatlong credit cards ang mga suspek kung saan ni-reject itong lahat.

Napag- alaman na ang mga suspek ay unang lumabag sa di-umano'y estafa dahil sa hindi pagbayad ng kanilang bill na nagkakahalaga P8, 188.98 pesos sa naturang bar.

Bukod dito, isang bar pa ang nabiktima ng modus ni Bartolome na nagpakilala bilang si Sebastian matapos itong umorder ng champagne at pagkain.

Dahil dito, naalarma na ang isang HR ng hotel sa isla kung saan nanuluyan ang mag suspek at tinawag ang atensyon ng nabiktimang bar tungkol sa card transaction kung kaya’t agad naman itong ini-report sa mga otoridad.

Narecover ng mga operatiba ang mga skimming device, isang laptop, assorted credit cards, Postal ID, Driver license at cellular phones mula sa mga nahuling suspeks.

Sa ngayon ang apat ay kasalukuyang nakapiit na sa BTAC lock-up cell para sa kasong estafa at paglabag sa Republic Act No. 8484 “An Act Regulating the Issuance and Use of Access Devices, Prohibiting Fraudulent Acts".

No comments:

Post a Comment