Monday, March 06, 2017

DTI, maglulunsad ng Negosyo Center sa Aklan

Posted March 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NEGOSYO CENTERNakatakdang maglunsad ng Negosyo Center ang Department of Trade (DTI) Aklan sa bayan ng Makato, Libacao, Malinao, at Malay.

Nakipag-ugnayan na umano ang lokal na pamahalan ng apat na  sa DTI-Aklan para sa kanilang iskedyul kung saan mag-uumpisa ito sa bayan ng Makato sa March 8, Libacao sa March 16, Malinao na may petsang April 20 at May 18 naman sa bayan ng Malay.

Ang handog na negosyo center ngayong taon ng DTI-Aklan ay para mabigyan ng kaalaman, iba’t-ibang pagsasanay sa MSME o Micro, Small and Medium Enterprises katulad ng skills training, entrepreneurship seminars, marketing and promotion, financing forum at product development ang mga negosyante.

Ito ay isang one-stop shop din kung saan ang layunin nito na makapagbigay ng serbisyo sa mga negosyante sa pamamagitan ng pag-proseso ng kanilang requirements para sa pagpapatayo ng negosyo.


Bukod dito, layunin umano ng programang ito na mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa tao, masubaybayan ang presyo ng mga produkto at suplay ng basic at prime commodities.

No comments:

Post a Comment