Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire
Protection (BFP) Boracay hinggil sa nangyaring sunog kaninang alas-tres y medya
ng madaling araw.
Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP-Boracay, isang
lalaki ang pumunta sa kanilang opisina at nag-report na meron umanong nasusunog
na bahay sa Sitio Bung-aw, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.
Agad naman aniya nilang ni-respondihan ang lugar katuwang
ang ibang mga responder’s kagaya ng BFRAV, Boracay Water Company o (BIWC) at
mga opisyales ng Brgy. para maapula ang sunog.
At base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, totally burnt
na nagsimula umano sa ikalawang palapag ng bahay ni Rony Panagsagan ang sunog
na gawa ito sa light materials.
Nabatid na wala si Panagsagan ng mangyari ang sunog kung
saan ang pamangkin nitong lalaki ang pinatulog niya sa kanyang bahay.
Umabot sa kalahating oras ang sunog at tinatayang nasa
P50k ang halaga ng mga ari-arian ang naabo.
Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng BFP-Boracay ang
sanhi ng nangyaring sunog.
Ginugunita ng BFP ang buwan ng Marso bilang Fire
Prevention Month.
No comments:
Post a Comment