Saturday, March 11, 2017

Boracay hinirang bilang isa sa top 10 Destination ng CTRIP Travel ng China

Posted March 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for CTRIP TravelHinirang ang Boracay bilang isa sa awardee ng CTRIP Travel para sa taong 2016.

Napabilang ang isla ng Boracay sa mga kinilala kasama ang ilan pang destinasyon tulad ng  Phuket, Malaysia, Maldives, Tahiti, Mauritius , Guam, Bali, Saipan at Okinawa.

Ang magandang balita ay inilabas ng Department of Foreign Affairs nitong ika-pito ng Marso ng ganapin ang CTrip Travel Awards Ceremony sa kakabukas lang na 7-Star Wanda Reign Hotel at Bund sa Shanghai.

Tinanggap naman ang naturang award ni Vice Consul André Peter C. Estanislao ng Philippine Consulate General sa Shanghai.

Samantala, magugunitang isa din ang isla sa kinilala ng Tripadvisor bilang isa sa best beaches in the world sa unang bugso ng 2017.

Ang CTRIP ay isang Chinese travel service provider na nakabase sa Shanghai kung saan ito ang ikalawang pagkakataon na sila ay nagbigay ng parangal para makilala ang mga top destinations at travel service providers sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment