Monday, March 06, 2017

PSA, nagsagawa ng Feeding Program

Posted March 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for PhilippineStatistics Authority-Aklan
Hindi lamang ang paggawa ng quality statistics ang tanging inaasikaso ng PhilippineStatistics Authority-Aklan kundi pati rin ang mga kalusugan ng mga bata.

Nabatid na nagsagawa ng feeding program ang PSA-Aklan kung saan layunin nitong mapabuti ang nutritional status ng mga kabataan.

Katuwang ang mga miyembro ng PSA- Aklan, naisagawa ito sa anim na mga Day Care Centers ng Brgy. Carugdog at Cogon sa bayan ng Lezo, Brgy. Calimbajan, Brgy. Tina sa Makato, Brgy. Tambak sa New Washington, at Brgy. Cabugao sa bayan ng Altavas.

Nasa siyamnapung mga estudyante ang napakain ng masustansyang pagkain na inihanda ng mga miyembro ng ahensyang ito.

Ayon kay Provincial Statistics Officer Antonet Catubuan, ang feeding na ito ay isang paraan para maibalik din sa mga tao ang suporta at tulong na ibinigay ng publiko sa bawat survey na ginagawa ng PSA.

Sinigurado naman ni Catubuan na mapanatili ng PSA ang outreach program para mas lalo pang mapalapit sa tao ang serbisyo ng gobyerno.

No comments:

Post a Comment