Thursday, March 09, 2017

DTI-Aklan nagsagawa ng Negosyo Encounter sa bayan ng Lezo

Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dti aklanMatagumpay na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang negosyo encounter sa mga negosyante sa Covered Court ng Poblacion, Lezo, Aklan nitong katapusan ng Pebrero.

Sa pangunguna ni DTI-Aklan Officer In-Charge Ma. Carmen Iturralde, isang orientation ang kanilang i-prenesenta sa mga negosyante kaugnay sa kung ano ang kanilang programa at serbisyo na binibigay sa mga ito.

Katuwang nila dito ang mga ahensya ng National Government Agencies, Probinsya at Lokal na Pamahalaan ng LGU, Financing Institutions, Industry Groups at Business Development Service Providers.

Dito, ang mga negosyante ay isa-isang binigyan ng pagkakataon na magkunsulta patungkol sa access to finance, access to market, business enabling at productivity and efficiency.

Natapos ang aktibidad na 75 mga negosyante ang nag-benipisyo sa ginawang Negosyo Encounter habang 21 naman ang nagpakita ng interes na mag negosyo.

Samantala, naging katuwang ng nasabing proyekto ang BIR, DAR, DENR, DOLE, PhilFIDA, PIA, TESDA, Provincial Governor’s Office, Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Planning and Development Office, Business Permits and  licensing Office – Lezo, Landbank of the Philippines, Small Business Corporation, PHILEXPORT, Hugod Aklanon Producers Association , Piña MANTRA, PCCI, TRIKE E-Solutions at Athena Business Solutions.

No comments:

Post a Comment