Thursday, March 09, 2017

Blood Collecting Unit, prayoridad ng bagong PRC-Boracay Chairman

Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES FM Boracay

May bago na ngayong Chairman ang Red Cross Boracay-Malay Chapter sa katauhan ni Joseph”Jojo” Medina.

Sa pagbisita nito ng Sabado sa Boracay Good News kasama si PRC OIC John Patrick Moreno, inilatag ng mga ito ang kanilang mga proyektong gagawin ngayong taon kung saan isa na dito ang paglagay ng Blood Collecting Unit.

Ayon naman kay Moreno, isa ito sa mga programa ng Red Cross Boracay-Malay Chapter na magkaroon ng Blood Collecting Unit-Blood Station para hindi na umano mahirapan ang mga nangangailangan ng dugo sa oras na may mangyaring insidente, kaso ng dengue at lalo na ang mga bagong panganak.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Medina ang mga hotel establishments na mag- volunteer sa Red Cross para makatulong at mapadali ang pag-responde nila sa mga insedente na pwedeng mangyari.

Samantala, plano naman nila na maglagay ng sariling frequency para sa kanilang Radio Communication sa lahat ng mga responders upang mapadali ang kanilang komunikasyon sa anumang sakunang mangyari sa bayan ng Malay.


No comments:

Post a Comment