Saturday, March 11, 2017

Bagong Snorkeling Ticket, ipapatupad ng LGU Malay

Posted March 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for 8th Regular Session ng SB MalayUumpisahan na ang bagong pag- isyu ng snorkeling ticket ayon sa ibinabang memorandum ni Mayor Ceciron Cawaling.

Sa nakaraang 8th Regular Session ng SB Malay nabuksan ang usapin tungkol sa pag- isyu ng bagong imprinta na snorkeling ticket.

Mula sa dating P 20.00 na halaga ng bawat ticket ay magiging P 40.00 na umpisa Marso 15 ng taong kasalukuyan.

Nabatid na ito ay ayon sa Memorandum Order  na inilabas ni Mayor Cawaling sa Treasurer’s Office para sa implementasyon.

Magugunitang maka-ilang ulit ng pinag-usapan ang isyu tungkol sa mga snorkeling tickets sa Sangguniang Bayan kung saan may mga dapat ayusin sa sistema ng pagsingil.

No comments:

Post a Comment