Wednesday, March 08, 2017

Lalaki, srestado sa kasong Murder

Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for MurderArestado ang isang lalaki na may kasong murder kahapon ng alas-singko sa Brgy. Agbago,Ibajay.
Sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team sa pangunguna ni PI Angelito De Jose kasama ang Ibajay MPS, Aklan PIB at Aklan Provincial Public Safety Company o APPSC ay nahuli ang suspek na si Loreto Sangyahon Y Ambrocio na residente ng Hinueogan, Brgy.Talon, Altavas sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 2544 para sa kasong murder.

Ang nasabing kautusan ay inisyu ni Hon. Manuel M. Barrios, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Regional Branch 21, Mambusao, Capiz noong ika - 26 ng Abril taong 2000.

Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

No comments:

Post a Comment