Thursday, March 09, 2017

Lalaki naaresto sa kasong carnapping

Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for carnappingNaaresto ang isang lalaki na may kasong carnapping kahapon ng alas-singko y medya sa Brgy. Nagustan, Nabas.

Sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team sa pangunguna ni PI Angelito De Jose katuwang ang Nabas MPS, Ibajay MPS, Aklan PIB at Aklan Provincial Public Safety Company o APPSC, nadakip ang suspek na kinilalang si Carmelo Delfin y Tumbokon, 28- anyos na residente ng Brgy. Agbago, Ibajay sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 13472 para sa kasong carnapping.

Ang nasabing kautusan ay inisyu ni Hon. Ronald H. Exmundo, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Regional Branch 7, Kalibo, Aklan noong ika - 31 ng Enero taong kasalukuyan.

Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

No comments:

Post a Comment