YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 06, 2017

Aklanon na walang Birth Certificate, nabigyan dahil sa Mobile Birth Registration ng PSA

Posted March 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for birth certificate
 Daan-daang mga Aklanon na walang birth certificate ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon nito matapos ang isang libreng programa ng mobile registration na hatid ng Philippine Statistics Authority at iba't ibang mga lokal na tanggapan ng Civil Registry sa Aklan nitong buwan ng Pebrero.

Nasa 400 mga tao, na karamihan ay mga mag-aaral ang nakapag-avail ng nasabing libreng serbisyo sa registration na ipinalabas sa iba't ibang barangay ng Ibajay, Malay, at Nabas.

Ayon kay Provincial Statistics Officer Antonet Catubuan, ang libreng registration ay isinagawa upang hikayatin ang mga taong walang birth certificate na makakuha ng isang kopya sa pamamagitan ng pagrehistro ng kanilang impormasyon ng kapanganakan sa Civil Registry Office.

Dagdag pa ni Catubuan, ang programang ito ay bilang tugon sa pagtaas ng demand ng paghingi ng birth certificate sa lahat ng mga transaksyon tulad ng entrance sa paaralan, sports competition, trabaho, pagkuha ng pasaporte o ang paglabas sa ibang bansa, at pag-claim para sa mga benepisyo o mga pautang.

Nabatid na target ng rehistrasyon na ito sa bayan ng Ibajay ang mga mag- aaral, habang sa Nabas at Malay naman ay  para sa lahat ng mga constituents.

Ayon pa kay Catubuan, marami sa mga hindi nakarehistro ay nanggaling sa mga mahihirap na pamilya na hindi kayang magbayad para sa mga gastos sa registration.

Bukod sa registration, ang PSA Aklan ay nagbibigay din ng tulong sa mga taong may mga problema sa kanilang civil registry documents tulad ng clerical error, pagwawasto ng kasarian o petsa ng kapanganakan, at pagbabago ng pangalan.

Ang libreng caravan registration ay kabilang sa mga gawain ng PSA Aklan at tanggapan ng civil registry sa pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong taon.

No comments:

Post a Comment