Monday, March 06, 2017

Vice Governor Quimpo, humiling kay Senator Villar na pondohan ang Provincial Fisheries and Aquatic Resources sa Aklan

Posted March 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for fundNagpadala ng sulat si Aklan Vice Governor Reynaldo Quimpo kay Senator Cynthia Villar para pondohan ang Provincial Fisheries and Aquatic Resources Training and Development and Production Center sa Aklan.

Ipina-abot ng Bise-Gobernador ang sulat sa 17 th Sangguniang Panlalawigan (SP) Session noong nakaraang taon kung saan humihingi ito ng tulong para pondohan ang naturang proyekto.

Bilang tugon sa naturang sulat, ni-refer ito ni Villar kay Eduardo Gongona, Undersecretary Fisheries, Director Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa posibleng pagbigay ng pondo para sa Aklan.

Kaugnay nito, nagkakahalaga ng P 5M ang pinansyal na ayuda ang inaprobahan para sa pag-operate at pag-mintena ng Aklan Provincial Agri-Aqua Demonstration Farm sa Barangay Nalook, Kalibo, Aklan. 

No comments:

Post a Comment