Monday, March 13, 2017

Mga Artista, bakasyon grande na sa isla ng Boracay

Posted March 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay islandGaya ng karamihan, timeout din muna sa trabaho ang maraming celebrities.

Wala pa ang summer vacation pero buhos na ang ibang mga artista na piniling magbakasyon  sa isla ng Boracay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Sinasamantala ngayon ng mga local celebrities ang kanilang vacation dito sa isla katulad na lamang ng bagong engaged na si Maxene Magalona na ini-rampa ang kanyang sexy body kasama ang kanyang magiging asawa.

Kabilang rin na nagbabakasyon dito ay sina Daiana Menezes, Bettina Carlos, Ina Raymundo kasama ang kanyang asawa at mga anak at marami pang iba.

Nabatid na ang kilalang tourist distenation na isla ng Boracay ang dinadayo ng maraming celebreties tuwing summer.

No comments:

Post a Comment