Tuesday, May 12, 2015

Seguridad sa Caticlan Jetty Port, patuloy na tinututukan sa kasagsagan ng APEC

Posted May 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Patuloy ngayong tinututukan sa kasagsagan ng APEC ang seguridad sa Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, intact parin ang security measures sa pantalan hindi lamang para sa regular na operasyon, kungdi para sa mga delegates ng nasabing ministerial meeting.

May hiwalay umano kasing ‘lane’ upang hindi maghalo ang mga regular na turista at ang mga delegates na may mga kasamang APEC-NOC o National Operations Committee.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Pontero na ‘smooth’ naman ang kanilang operasyon.

Samantala, maliban sa Caticlan Jetty Port, kapansin-pansin namang tinututukan ng pinagsanib na puwersa ng mga law enforcers ang traffic sa Balabag main road.

Magugunitang dumating dito sa isla ng Boracay ang mga APEC o Asia Pacific Economic Cooperation delegates nitong Linggo para sa kanilang ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment