Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nagsawaga ng HIV testing ang Provincial Health Office
(PHO) bilang pakikiisa sa National HIV Testing Week ng Department of Health
(DoH).
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Human
Immunodeficiency aVirus (HIV) sa bansa kung saan naitala sa Western Visayas ang
804 simula noong 1984 hanggang nitong Pebrero 2015.
Ayon kay Cuachon nagsagawa sila nitong Mayo 11 hanggang
kahapon ng confidential at voluntary HIV testing at counseling na available at
libre sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital Social Hygiene Clinic sa
Kalibo, Aklan.
Nabatid na inilunsad ng DOH ang bagong kampanyang ito sa mga
taong nabubuhay na may HIV at para maiwasan ang undiagnosed impeksiyon ng HIV
sa buong bansa.
Samantala, hinikayat pa nito ang publiko at ang mga community
leaders na suportahan ang kampanya ng DoH kasabay din ng panawagan ng ibang
sektor at ng National Council of Churches sa bansa na mag-voluntary HIV
testing.
No comments:
Post a Comment