Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsagawa ngayon ng 2014 Survey of Tourism Establishments
sa Pilipinas (STEP) ang Philippine Statistics Authority-Aklan.
Ito’y naglalayong mangolekta ng impormasyon sa mga
magagamit na supply ng turismo kalakal, mga produkto at serbisyo, na kung saan
ay mahalagang input upang masukat ang pang-ekonomiyang mga kontribusyon ng
industriya ng turismo sa ekonomiya.
Nabatid na sa 233 establishments sa Aklan ang pinili
bilang mga halimbawa para sa STEP kung saan higit sa kalahati rito ay nagmumula
sa isla ng Boracay.
Ayon naman kay Interim Provincial Statistics Officer Rodelyn
Panadero, ang mga establisyementong sakop ng tourism survey ay ang accommodation,
restaurant, transport operator, tour at travel agency, health at wellness at
iba pang tourism activities.
Sinabi pa nito na ang turismo ay may malaking ginagampanang
papel at impak sa ekonomiya para sa pag-unlad
ng bansa.
Kaugnay nito umapela naman si Panadero sa lahat ng mga
respondents na magbigay ng kumpleto at totoong impormasyon sa mga PSA Filed
Personnel na nagsasagawa ng survey.
Samantal, iginiit din nito na lahat ng impormasyon na
maibibigay sa kanila ay “strictly confidential” at hindi umano nila ito
gagamitin para sa taxation, investigation o iba pang law enforcement purposes.
No comments:
Post a Comment