Wednesday, May 13, 2015

Pagpasok ng Habagat Season sa Boracay pinaghahandaan na

Posted May 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for habagat season in boracayBagamat wala pang pormal na deklarasyon mula sa PAGASA tungkol sa pagpasok ng Habagat Season sa Boracay pinaghahandaan na rin ito ngayon ng mga establisyemento sa beach front.

Partikular sa mga naghahanda rito ay ang lahat ng mga business establishment sa station 1 hanggang station 3 na siyang maapektuhan ng hanging habagat.

Napag-alaman na nitong nakaraang araw ay naranasan ang malakas na alon sa karagatan senyales ng pagpasok ng naturang panahon.

Base naman sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) inaasahang papasok ang Habagat bago magtapos ang buwan ng Mayo.

Nabatid na mararamdaman ang naturang panahon simula buwan ng Mayo hanggang Oktobre sa Boracay kung saan ang gagamitin namang pantalan patawid at palabas ng Boracay ay ang Tambisaan at Tabon Port.

Samantala, sakaling pumasok na ang Habagat ay mahigpit namang ipinagbabawal ng Philippine Coastguard ang paliligo sa dagat sa tuwing malakas ang alon lalo na sa mga area na walang naka-antabay na lifeguard.

No comments:

Post a Comment