Saturday, May 16, 2015

Pagpapapintura sa street gutter ng main road Boracay, tapos na

Posted May 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Tapos na ang pagpapapintura sa street gutter ng main road Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano sa kanyang text message kaugnay ng pagpapaganda ng kalsada mula sa Barangay Manoc-manoc papuntang Barangay Balabag.

Bagama’t hindi naihabol bago ang APEC Ministerial meeting sa Boracay, kapansin-pansin na trinabaho ang pagpipintura sa street gutter kahit gabi.

Nabatid na 410 thousand pesos ang inilaang budget ng LGU Malay para sa pagpapapintura ng nasabing existing curve at gutter ng kalsada.

Magugunitang ang pagapapapintura sa street gutter ang naging tugon ng LGU Malay sa mga aksidenteng dulot ng sira o kawalan ng street light sa mainroad na madalas mangyari tuwing gabi.

No comments:

Post a Comment