Tuesday, May 12, 2015

School Arts Contest, tampok sa Boracay Day ngayong Biyernes

Posted May 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Handog ngayon ng Information Education Campaign (IEC) ng Boracay Beach Management Program (BBMP) ang School Art Contest.

Ito’y bilang bahagi ng selebrasyon ng Boracay Day ngayong Mayo 15 araw ng Biyernes na may temang Change attitude, not the climate.

Nabatid na kasali rito ang elementary pupils at high school students na isasagawa sa Club Summer Place, Station 2, Boracay sa darating na Biyernes.

Sa kabilang banda kasabay ng nasabing aktibidad magkakaroon naman ng Clean-Up Drive ang Public at Private School sa buong Malay sa kapareho ring araw simula ala-6 hanggang alas-8 ng umaga.

Samantala, ang Boracay Day ay taon-taong ipinagdiriwang sa pamamagitan ng ibat-ibang programang pangkalikasan.

No comments:

Post a Comment