Wednesday, May 13, 2015

ATV na minamaneho ng isang Singaporean National sa Boracay, bumangga sa isang motorsiklo

Posted May 13, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay


Isang ATV o All Terrain Vehicle na minamaneho ng Singaporean National sa Boracay ang bumangga sa isang motorsiklo nitong hapon.

Partikular na nangyari ang insidente sa Mt. Luho, Sitio Bolabog, Barangay Balabag.

Base sa police report ng Boracay PNP, aksidenteng bumangga ang ATV na minamaneho ng Singaporean National na si Neo Hui Yan Eillen sa motorsiklo namang minamaneho ng isang hindi nakilalang lalaki.

Resulta, nasira ang kaliwang pedal at foot rest ng nasabing motorsiklo, dahilan din upang pagbayarin siya ng P3, 000.00 na danyos ng huli.

Nagbayad naman umano ang Singaporean at personal na pina-blotter sa Boracay PNP Station ang insidente para naman sa kanyang insurance claim.

No comments:

Post a Comment