Friday, May 15, 2015

Dalawang divers sa Boracay, nailigtas matapos mawala ang bangka habang nagda-dive

Posted May 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for maritime rescue logo
Nilinaw kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) Boracay na nawala ang bangka ng dalawang divers sanhi ng kanilang pagpalutang-lutang sa laot.

Nabatid sa report ng PCG na nag-diving sa Bulabog Point ang mga divers na sina Darwin Tejada, 22 anyos, dive master ng Calypso Diving School, at ang 36 anyos na Japanese National na si Jinichi Okada nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa PCG, lumagpas na ang dalawa sa oras ng kanilang pag-ahon kung kaya’t hindi na umano nila nakita ang kanilang bangka.

Dahil dito, tumagal ng dalawang oras sa laot ang dalawa bago nailigtas ng Rescue Team.

Samantala, itinuturo namang rason ng PCG ang malakas na kuryente ng tubig sa lugar kung bakit nawala ang bangka ng mga nasabing divers.

No comments:

Post a Comment