Thursday, May 14, 2015

E-Trike Driver sa Boracay, nagsauli ng naiwang gamit ng turista

Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for good news
Isang ‘good news’ na namang maituturing para sa isla ng Boracay ang ginawa ng isang E-Trike Driver nitong hapon.

Sa kabila ito ng mga naitalang ‘bad news’ sa Boracay PNP Station kaugnay ng mga nangyaring nakawan sa isla kamakailan lang.

Isinauli kasi nito ang gamit ng Chinese national na naiwan sa mismong minamaneho nitong E-Trike.

Ayon sa report ng Boracay PNP, dakung alas 4:00 ng hapon nang sumakay ng E-Trike mula sa Station 1 Balabag papunta sa tinutuluyang resort ang turistang si Wang Yanlin.

Subali’t nakalimutan umano niya ang kanyang bag sa E-Trike, na labis naman niyang ikinabahala dahilan upang mag-report siya sa police station.

Samantala, laking pasasalamat naman ng turista nang dumating kaagad sa himpilan ng Boracay PNP ang driver na si Marlon Artocilla bago paman matapos ang pagpapa-blotter sana niya tungkol sa naiwang gamit.

Nabatid na naglalaman ng dalawang Iphone 6 at wallet na may cards at pera ang bag ng turista nang maiwan niya ito sa E-Trike.

No comments:

Post a Comment