Tuesday, May 12, 2015

Malay nanguna sa 1st class municipalities sa LGUs LSI-ARI ratio sa bansa

Posted May 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Logo of LGU MALAYHinirang na ranked No.1 ang bayan ng Malay sa Top 20 First Class Municipalities sa tuntunin ng Locally Sourced Income-to-Annual Regular Income (LSI-to-ARI) ratio.

Ito ay base sa naitalang record ng Bureau of Local Government Finance-Department of Finance (BLGF-DOF) simula noong 2012.

Sa record nagpapakita lamang na ang Malay ay sikat bilang premier tourist destination dahil sa isla ng Boracay kung saan nakamit nito ang pagiging 1st class municipalities sa bansa.

Maliban sa Malay sa Aklan napabilang rin dito ang bayan ng Kalibo bilang ranked No. 13 na may malalaking kita sa bansa.

Nabatid na ang Malay ay kumikita ng malaki taon-taon dahil sa mga negosyo sa Boracay habang ang Kalibo ay sentro naman ng probinsya na mayroong local at commerce trade.

No comments:

Post a Comment