Thursday, May 14, 2015

BTAC, ‘no comment’ na sa pagnanakaw umano sa isang APEC Delegate sa Boracay

Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ipinanlumo ng mga kapulisan sa isla ang balitang isang APEC Delegate sa Boracay ang ninakawan ng pera at gamit.

Sa kabila nito, ‘no comment’ at tumanggi nang magbigay ng pahayag tungkol dito ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Ayon kasi kay BTAC Chief P/SInsp. Frensy Andrade, nasa kamay na rin ngayon ng APEC Task Unit Investigation ang kaso ng Chinese National na nabiktima umano ng kawatan nitong nakaraang Linggo sa station 2 beach front.

Ayon sa report, nangyari ang insidente habang umiinom ito ng beer doon, katabi ang kanyang Apple Mac Book at bag na naglalaman ng 500 U.S dollars na pera.

Samantala, itinuturing naman ng mga kapulisan sa isla na insulto ang nangyaring pambibiktima ng kawatan sa kabila ng dami nila ngayong tumututok sa APEC Ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment