YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 12, 2015

Lalaki mula sa Iloilo, timbog dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Boracay

Posted May 12, 2015
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Patuloy ngayong tinututukan ng mga kapulisan ang APEC ministerial meeting sa isla ng Boracay.

Subali’t hindi pala nangangahulugang isinasantabi muna nila ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.

Katunayan, isang lalaki mula sa Iloilo ang natimbog dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Boracay nitong hapon.

Sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) at Boracay PNP, nasakote ang suspek na si John Richard Abilo ng Arevalo, Iloilo.

Sa pamamagitan ng isang Buy-Bust Operation sa Barangay Balabag, narekober ang isang sachet ng suspected shabu, at P500.00 na marked money.

Narekober din mula sa suspek ang isa pang sachet ng suspected shabu at cell phone na naglalaman umano ng illegal drugs transactions nito.

Pansamantala naman itong ikinostodiya sa Boracay PNP Station para sa karampatang disposisyon, sa kabila ng pagtanggi nitong sa kanya ang narekober na droga.

No comments:

Post a Comment