Friday, May 15, 2015

Pagpapahinto ng biyahe ng mga trisekel at bangka sa Boracay dahil sa APEC, pinasinungalingan

Posted May 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

               YES FM FILE 
Walang pinatigil na biyahe.

Ito ang iginiit ni SB Member Rowen Aguirre kasunod ng kumalat na kuwento kaugnay ng pagpapahinto umano ng biyahe ng mga trisekel sa isla dahil sa APEC meeting sa Boracay.

Sa halip na ipinatigil, sinabi ni Aguirre na may mga ‘adjustments’ pa ngang ginawa sa main road ng Boracay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Katulad na lamang umano ng traffic rerouting ngayon sa mga piling ‘lane’ na maaaring ipagpatuloy na pagkatapos ng APEC.

Kaugnay parin nito, ikinadismaya naman ni Aguirre ang balitang pinatitigil din umano ang bihaye ng bangka sa isla.

Samantala, magugunitang pinasinungalingan din mismo ng BLTMPC o Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative na walang biyahe ang kanilang mga trisekel papuntang Puka Beach sa Barangay Yapak dahil sa APEC Ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment