Thursday, May 14, 2015

Anim na turista sa Boracay, tinakasan ng komisyoner

Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi na makontak ang cell phone number at hindi pa natatapos ang binayarang island activities.

Ito ang nagtulak sa anim na turista sa Boracay kahapon na magreklamo sa estasyon ng pulis laban sa isang komisyoner.

Sumbong ng mga turista na pawang mga taga Quezon City, tinakasan umano sila ng komisyoner dala ang P6, 800.00 mula sa kabuuang P11, 400.00 na bayad sa mga activities nilang kinuha.

Nabatid na kahapon ng umaga nang inalok sila ng komisyoner na si ‘Greg’ ng island activities katulad ng ‘Banana boat ride, ATV, at Fly fish.

Subali’t naglaho umano na parang bula ang komisyoner pagkatapos nilang mag-banana boat.

Out of coverage network na rin umano ang cell phone number nito, kung kaya’t minarapat na lamang nilang magsumbong sa mga kapulisan.

Samantala, kaagad namang inimbistigahan ng Boracay PNP ang sumbong ng mga turista.

No comments:

Post a Comment