Monday, May 11, 2015

APEC delegates sumabak na sa 2nd Senior Officials’ Meeting sa Boracay

Posted May 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sumabak na umano ang mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation’s (APEC) sa 2nd Senior Officials’ Meeting and Related Meetings (SOM2) sa Boracay kahapon.

Ito ang sinabi ni APEC Spokesperson at Assistant Deputy Director General for Conference Management Services Patrick Hillado.

Ayon kay Hillado kahapon umano nagsimula ang APEC sa Boracay Mayo 10-21 kung saan tinalakay rito ang SOM2 na ginanap sa Paradise Garden at Crown Regency Convention Center.

Habang ang dalawang araw na Ministers Responsible for Trade Meeting (MRT) ay nakatakda namang isagawa sa susunod na linggo Mayo 23-24.

Kaugnay nito sinabi naman ni Hillado nitong Sabado na hindi umano sabay-sabay na dumating sa Boracay ang mga delegado at karamihan sa mga ito ay nahuli sa nasabing meeting.

Samantala, maliban sa mga delegates dumating nadin umano ang mga local at international media sa Boracay para e-cover ang isa sa pinakamalaking pagtitipon ng 21 mga minister sa Asya kasama ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ng bansa.

Nabatid na tinatayang isang libo hanggang dalawang libo ang mga inaasahang delegado na kasama sa APEC ministerial meeting sa Boracay.

Samantala, sentro ng pag-uusap ng mga delegado ay kung papaano mapalakas ng 21 bansa sa Asya ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan ng usaping pang-kapayapaan, ekonomiya, teknolohiya at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment