Friday, May 15, 2015

Ikatlong Flores De Mayo sa Boracay ikinasa na ng BFI

Posted May 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling ikinasa ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) ang ika-tatlong Flores De Mayo ngayong buwan sa isla ng Boracay.


Ayon kay Marketing Officer Raffy Cooper ng BFI, ang mga kasali umano rito ay mula sa mga hotel at resort kasama na ang ibat-ibat organisayson sa isla.

Sinabi din nito na kakaiba ang Flores De Mayo sa Boracay kumpara sa nakaugaliang tradisyon sa bansa dahil sa isasagawa umano ito sa sikat na white beach.

Ito din umano ay pagpapakita sa tradition ng Filipino sa mga turistang nagbabakasyon sa Boracay lalo na at kasalukuyang ginaganap ang APEC sa isla.

Kaugnay nito isang misa ang magaganap sa Mayo 23 sa Balabag Holy Rosary Parish Church bandang ala-5 ng hapon kasabay ng pag-blessing sa mga partisipante at susundan naman ng parada mula sa station 1 hanggang sa Boracay Regency Beach Resort Station 2.

Samantala, kabilang naman sa criteria for judging ay ang Best in Escort, Best in Floral Arc, 3rd grand Boracay Festival Queen at Best Dress.

No comments:

Post a Comment