Wednesday, May 13, 2015

APEC delegates sa Boracay nasa 500 palang ayon kay APEC Focal Person Aguirre

Posted May 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa-mahigit limang daan palang umano ngayon ang mga delegado ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni SB Member at 2015 APEC Focal Person Rowen Aguirre sa ginanap na 16th Regular SB Session ng Malay kahapon.

Ayon kay Aguirre tuloy-tuloy na umano ang nangyayaring ministers meeting sa mga inilaang venue sa Boracay para sa mga delegado.

Sinabi din nito na magkakaroon ng ilang aktibidad ang mga APEC delegates katulad ng welcome dinner kasama ang mga local officials ng Malay.

Dagdag nito inaasahan umano ang pagsidatingan ng ilan pang mga delegado para sa mahigit 15 araw na ministerial meeting sa Boracay.

No comments:

Post a Comment