Wednesday, May 13, 2015

Mayor John Yap, umapela ng kooperasyon para sa APEC

Posted May 13, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

YES FM Boracay File Photo
Umapela ngayon si Malay Mayor John Yap ng kooperasyon para sa APEC.

Partikular na ipinaabot ng alkalde ang apela sa mga naapektuhan ng mga ipinapatupad na seguridad para sa mga APEC Delegates sa isla.

Aminado rin kasi ang alkalde na istrikto ang pagpapatupad ng mga nasabing security measures.

Subali’t ilang linggo lamang aniya ang APEC sa Boracay kung kaya’t dapat umanong makipagtulungan ang lahat lalo pa’t maganda naman ang ibabalik nito sa isla.

Samantala, iginiit din ni ‘Mayor John’ na dapat maging ‘open minded’ ang lahat at hindi angal-angal, lalo pa’t hindi lamang dapat puro negosyo kungdi may responsibilidad ang lahat dito sa Boracay.

Nabatid na puspusan ngayong tinututukan ng LGU Malay katuwang ang mga law enforcers sa loob at labas ng isla upang maging maayos at matagumpay ang mahigit dalawang linggong APEC Ministerial meeting.

No comments:

Post a Comment