Monday, May 11, 2015

Ibat-ibang government agencies nasa Boracay na rin para sa APEC meeting

Posted May 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dumating na rin umano ngayon ang ibat-ibang government agencies ng bansa para sa ginaganap na APEC Ministerial meeting sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni APEC Spokesperson at Assistant Deputy Director General for Conference Management Services Patrick Hillado.

Ayon kay Hillado, dahil sa iba-ibang topiko ang pinag-uusapan ng mga delegado sa meeting ibat-ibang ahensya ng gobyerno din umano ang kasama rito.

Samantala, maliban sa gobyerno ng Pilipinas dumating na rin umano ang mga International media sa Boracay para e-cover ang naturang meeting.

Dagdag pa ni Hillado tuloy-tuloy na umano ang meeting ng mga delegado para sa 2nd Senior Officials Meeting and Related Meeting (SOM2) sa Boracay na ginaganap sa Paradise Garden Boracay at Crown Regency Convention Center habang bukas umano ay may gaganapin ding meeting sa Shangri-La Boracay.

Sinabi pa nito na natutuwa ang mga APEC delegates sa mainit na pagtanggap sa kanila sa  Boracay lalo na at sa sikat na lugar sa mundo ginanap ang kanilang meeting.

No comments:

Post a Comment