Posted May 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Dalawang motorsiklo sa Sitio Bolabog ang nagsalpukan
kaninang umaga.
Dahil dito, pawang nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte
ng kanilang katawan ang driver ng Boracay Water na si Doroteo Inson, 46 anyos
ng Malinao, Aklan, at si Alfredo Margallo Jr., 25 anyos, ng Sitio Ambulong,
Barangay Manoc-manoc.
Base sa report ng Boracay PNP, galing sa Sitio Lugutan ang
driver ng Bullet Sunriser na si Inson nang makasalubong nito si Margallo na
nagmamaneho naman ng Euro 110.
Subali’t nabatid na umagaw pala si Margallo sa kanyang linya
kung kaya’t nagkasalpukan ang manobela ng kanilang motorsiklo hanggang kapwa
sila tumumba sa kalsada.
Samantala, nagkasundo na lamang ang magkabilang panig na
kusa nilang aayusin ang gusot dulot ng insidente.
No comments:
Post a Comment