Tuesday, May 12, 2015

Empleyado ng isang beach resort sa Boracay, nalunod, patay

Posted May 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Patay ang empleyado ng isang beach resort sa isla ng Boracay matapos malunod sa station 3 kahapon.

Bagama’t isinugod pa sa pagamutan, idineklara namang DOA o Dead on Arrival ang 20 anyos na biktimang si Rendell Tajan ng Barbaza, Antique, at nagtatrabaho sa House Keeping department ng Jony’s Beach Resort.

Sa imbistigasyon ng Boracay PNP, nabatid na naligo ang biktima at lima pa nitong mga kasama sa bahagi ng Angol Point sa station 3 nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa report, nakita na lamang siyang nalulunod sa malalim na bahagi ng tubig na kaagad namang iniligtas ng dalawang foreign nationals doon.

Sa kabila nito, tuluyan namang binawian ng buhay ang biktima na ikinagulat at ikinalungkot ng kanyang mga kasama sa trabaho.

No comments:

Post a Comment