Sunday, March 15, 2015

Supervisor sa isang resort sa Barangay Yapak, sugatan sa aksidente sa motorsiklo

Posted March 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sinasabing malas ang Friday the 13th o Biyernes Trese.

Kaya naman iniugnay ng ilang rumesponde sa nangyaring aksidente kagabi ang sinapit ng isang supervisor sa isang resort sa Barangay Yapak.

Ayon sa ilang sumaklolo sa biktima, humabol pa sa sinasabing ‘malas na petsa’ ang motor pool supervisor na si George De Guzman, 53 ayos ng Balanga, Bataan.

Base sa police report ng Boracay PNP, nakarinig ng may kung anong bumagsak o lumagapak ang ilang residente sa lugar.

Nang tingnan, nakahandusay na pala sa gilid ng kalsada, sa unahan ng minamanehong motorsiklo ang biktima.

Kaagad sumaklolo ang ilang taga Kabalikat Civicom at Yapak Police sa lugar kung kaya’t kaagad itong naisugod sa ospital.

Inilipat naman sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang biktima dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa katawan.

Samantala, kahit sa nasabing malas na petsa nangyari ang insidente, suwerte parin ayon sa ilan na hindi tumama sa batong naroon ang ulo ng biktima nang sumemplang ito habang nagmamaneho.

No comments:

Post a Comment