Monday, March 16, 2015

Construction worker, sinaksak; suspek, umamin

Posted March 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for stabbing investigationAminado ang suspek na ginawa nya ang pananaksak sa kapwa nito construction worker kagabi sa Brgy. Balabag Boracay.

Ayon sa report ng mga pulis, nagkikipag-usap ang biktimang si Eliseo Dela Cruz, 58 anyos ng Hinubaan Negros sa kapwa nito construction worker nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong dumating ang suspek na si Rogie Casilagan, 34 anyos at sinaksak ng makailang beses ang biktima at agad na tumakas.

Samantala, sa kabila ng tinamong sugat, nagawa pang magpa-blotter mismo ng biktima sa Boracay PNP Station bago ito nagpagamot sa ospital.

Matapos na mag-report sa mga pulis, kaagadnamang nahuli ang suspek sa pamamagitan ng manhunt operation sa lugar.

Samantala, nagpag-alamang  hindi malayong kamag-anak ng biktima ang suspek.

No comments:

Post a Comment