Tuesday, March 17, 2015

Pagbisita ng mga cruise ship sa Boracay, malaking tulong umano sa industriya ng turismo ayon sa DOT

Posted March 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for MS Celebrity CenturyMarami nang cruise ship ang bumibista sa isla ng Boracay.

Isa na nga rito ang MS Celebrity Century na muling bumisita ngayong araw dala ang mahigit dalawang libong turista.

Kaugnay nito, aminado ang DOT o Department of Tourism na malaki ang tulong ng mga nasabing cruise ship sa industriya ng turismo ng isla.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, bunga ito ng kanilang ‘good coordination at partneship’ sa Aklan Provincial Government at Municipal Tourism Office.

Samantala, sinabi pa ni Velete na may mga cruise ship pang inaasahan ngayong taon, maliban sa mga cruise ship na naka-eskedyul sa susunod na taon.

Nitong nakaraang taon naman, nabatid na nasa sampung cruise ship na rin ang bumisita sa isla dahil na rin sa promotional drive ng DOT at mga ahensyang katuwang nila, at maging ng mga taga business sector sa isla.

No comments:

Post a Comment