Monday, March 16, 2015

MS Celebrity Century muling magdadala ng mahigit 2 libong turista sa Boracay bukas

Posted March 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for MS Celebrity CenturyKinumpirma umano ng Wallem Philippines na muling babalik sa isla ng Boracay ang cruisehip na MS Celebrity Century bukas ng hapon.

Ito ang sinabi ni Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port matapos na bumisita ang nasabing barko nitong nakaraang Pebrero-3 sa Boracay.

Ayon kay Pontero inaasahan umano nilang magdadala ito ng mahigit sa dalawang libong pasahero mula sa ibat-ibang bansa para sa tour nito sa Boracay.

Sinabi din nito na doble ang kanilang ipapatupad na seguridad simula sa Cagban Jetty Port hanggang sa white beach area kung saan mag-iikot ang mga sakay nitong pasahero.

Nabatid naman magtatagal ang barko sa Boracay ng walong oras kung saan inaasahan ang pagdating nito bukas ng ala-ona ng hapon hanggang alas-otso ng gabe.

Napag-alaman na ang Wallem Philippines ang siyang may hawak ng tour ng naturang barko sa Pilipinas kung saan ilang malalaking barko na rin ang kanilang dinala sa isla ng Boracay nitong mga nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment