Monday, March 16, 2015

Babae, natagpuang patay sa So. Tulubhan Manoc-Manoc

Posted March 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patay na nang matagpuan ang isang babae kahapon ng umaga sa So. Tulubhan Manoc-Manoc, Boracay.

Nabatid sa police report ng Boracay PNP na natagpuan na lamang ng ilang residente sa lugar ang wala nang buhay na si Dona Vivas, nasa 26-30 anyos, tubong Leyte at residente ng Sitio Lugutan, Manoc-manoc.

May mga tama ng saksak o multiple stab wounds sa katawan ang biktima.

Una rito, may nakarinig umano ng sigaw at humihingi ng saklolo sa lugar dakung alas 3:00 ng madaling araw, subali’t wala umanong pumansin nito.

Kaagad namang rumesponde sa crime scene ang mga kapulisan kasama ang SOCO-Boracay Satellite Office.

Magkaganon paman, blangko parin ang mga ito sa pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek sa krimen.

Kasalukuyang nasa isang punerarya ang bangkay ng biktima.

No comments:

Post a Comment