Tuesday, March 17, 2015

Construction worker na sinaksak ng katrabaho nitong Linggo, hindi na umano magsasampa ng kaso sa suspek

Posted March 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for stabbing investigationHindi na umano magsasampa ng kaso ang construction worker na sinaksak ng kasama nitong Linggo sa Boracay.

Dala ang Affidavit of non-interest to file a case, tinungo ng 58 anyos na biktimang si Eliseo Dela Cruz ng Hinubaan Negros, Occidental ang presento ng Boracay PNP nitong hapon.

Sinabi nito na humihingi sila ng 10 mil pesos na danyos mula sa suspek para may pamasahe ito pauwi sa Negros at pambili ng gamot.

Ang suspek na rin umano ang magbabayad sa iba pang gastusin nito sa ospital.

Maliban nito, nagdesisyon na lamang ang biktima na mauwi sa settlement ang kaso, dahil magkababayan lamang sila ng suspek.

Magugunitang Linggo ng gabi nang sugurin at makailang beses na saksakin ng suspek na si Rogie Casilagan ang biktima.

No comments:

Post a Comment